Read Aloud the Text Content
This audio was created by Woord's Text to Speech service by content creators from all around the world.
Text Content or SSML code:
Heto na ang monthly horoscope mo AQUARIUS! Ngayong buwan ay mananaig ang iyong emosyon kaya dapat ay ibahagi ang iyong nararamdaman sa ibang tao para sa ikapapanatag ng iyong isipan. Magkakaroon ng oportunidad sa iyong karera pero kinakailangan ng tamang panahon para mag materialized. May tagumpay na matatamasa sa short trip at foreign travels. Sa iyong kaperahan at karera, may konting balakid sa mga projects o di kaya ay negosyo mula sa ibang bansa. Ngayon buwan, kung magtityaga ay maraming uportunidad ang mapapasaiyo upang malinang ang iyong kakayahan at talento. Panatilihin ang magandang ugnayan sa iyong partner. Kung pinagiisipan ang pagpasok sa bagong negosyo ay magandang wag padalos dalos sa desisyong gagawin. Kung ikaw ay may trabaho sa kasalukuyan, mananaig sa iyo ang suwerte hanggang sa kalagitnaan ng buwan. May posibilidad ng malakihang bonus at promosyon ngayong buwan. Magkakaroon ka ng bagong proyekto mula sa iyong boss. Magandang kita ang naghihintay sa iyo mula sa lumang investments. Heto pa ang malala, favorable ang buwan na ito para sa bagong negosyo at kung binabalak mong mag loan ay tiyak na maaprubahan ngunit kailangang maingat sa transaction hanggang sa kalagitnaan ng buwan. Overall, ang aspetong pinansyal mo ay magi improve at mataas din ang financial possibilities mula sa mga old investments. Sa buhay pagibig, magingat dahil may nagbabadyang hindi pagkakaunawaan. Ikaw at ang iyong kapareha lalo na sa mga unang araw ng buwan ngunit ito ay mareresolba naman hanggang sa kalagitnaan. Sikaping hindi lang sa negosyo nakatuon ang atensyon nararapat din bigyan importansya ang iyong kapareha. Bigyan mo siya ng surpresa gaya ng regalo at sa kung anong paraan na tiyak ay magagalak siya. Magiging panatag din ang kalagayan ng pamilya at kalusugan ng buong mag anak. Napapanahon na mag organisa ng kaunting salo salo o di kaya ay get together party para lalong umusbong ang positive energy ng bahay. Kailangan lang mag ingat sa food poisoning at bad eating habits lalo pat holiday season.