Read Aloud the Text Content
This audio was created by Woord's Text to Speech service by content creators from all around the world.
Text Content or SSML code:
Hello, at welcome na ulet sa panibagong video episode ng tamang gala. In this video, dadaanan natin ang bagong bagong skyway stage three, simula sa balintawak hanggang sa exit nito sa alabang. Kung bago ka sa channel ko, click mo na ang subscribe button at idamay mo na rin ang notification bell. Marami pang video na tulad nito ang aking gagawin para e upload. Ang channel na ito ay para sa mga tulad ko na gustong matutong magkaroon agad ng iba't ibang mga paraan ng pagmamaneho at yun din ang mga ilalagay kong video dito sa channel natin. Ang Metro Manila Skyway, na mas-kilala sa madla bilang Skyway, ay isang fully grade separated na nakaangat na mabilisang daanan na nagsisilbi bilang pangunahing mabilisang daanan sa katimugang Kalakhang Maynila, at sumusunod sa pagkakalinya ng umiiral na South Luzon Expressway (SLEX) sa ibabaw nito. Humahaba ito mula Gil Puyat Avenue sa hilaga hanggang Alabang–Zapote Road sa timog at tumatawid ito sa mga lubhang urbanisadong pook ng Makati, Pasay, Taguig, Parañaque, at Muntinlupa, at pinapagaan nito ang SLEX at ibang mga pangunahing lansangan mula sa mabigat na trapiko. Ang Skyway ay ang unang fully grade-separated highway (o lansangang nakahiwalay nang husto sa lupa) sa Pilipinas. Isa ito sa mga pinakamahabang flyover sa mundo na may kabuuang haba na 31.2 kilometro o 19.4 milya. Nagbibigay ito ng daan papasok sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa pamamagitan ng NAIA Expressway. Kalakip ng pagkokompleto ng Ikatlong Yugto ng Karugtong ng Skyway (Skyway Extension Stage 3) na nakatakda sa 2020, mag-uugnay ang nakaangat na mabilisang daanan sa North Luzon Expressway sa Lungsod Quezon, at maitutulong mabawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Maynila at Paliparang Pandaigdig ng Clark sa Pampanga. Dahil sa pagbubukas ng sistemang Skyway, malaki ang binago sa sitwasyong trapiko ng South Luzon Expressway kalakip ng karagdagang kapasidad ng daanan, naiayos na mga daan, pinaganda at bagong tayong mga pasilidad. Mula 2011, ginagamit ang Metro Manila Skyway bilang pangunahing running course ng Condura Skyway Marathon.